
Isinumite ni Pope Leo XIV ang kaniyang mail-in ballot para sa nalalapit na US midterm elections, ayon sa Vatican nitong Biyernes.
Sa kasaysayan, siya ang maituturing kauna-unahang Santo Papa na nakibahagi sa US elections at maaaring kauna-unahan ding makibahagi sa isang sekular at demokratikong eleksyon.
“The Holy Father expresses his belief in the right and the duty of citizens to participate in democratic processes,” saad sa pahayag ng Vatican.
Ayon sa mga opisyal na tala, rehistrado ang Santo Papa sa kaniyang pangalan ng pagkabinyag na bumoto sa New Lenox, Chicago kung saan bumoto siya noong 2024 US presidential elections.
Inaasahang kasama sa balota ng Santo Papa ang mga boto nito para sa karera sa senado at gobernador sa Illinois, kasabay ng house of representative, state at county elections.
Bagama’t pinuno ng estado ang Santo Papa, nananatili pa rin itong US citizen at pinahihintulutan pa ring makibahagi sa eleksyon.







