Alamin ang forecast ng BSP sa Implasyon Pilipinas ngayong Oktubre, inaasahang papalo sa 7.1-8.1%. Tuklasin ang mga sanhi at epekto sa ekonomiya.

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa pagitan ng 7.1 hanggang 8.1 porsyento ang inflation para sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Sa pahayag na inilabas nitong Biyernes, Oktubre 30, maaaring lumobo sa nasabing rate ang inflation dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa, singil sa kuryente, at pamasahe.

Dagdag pa nito, anila’y maaari namang bumagal ito dulot ng pagbaba ng presyo ng mga pangunahing agricultural products tulad ng gulay, karne, bigas, at isda dahil sa sapat na supply.

--Ads--

Samantala, anila’y patuloy namang tututukan ng BSP ang pagbantay sa mga datos, maging sa kaganapan sa Middle East at ang mga inaasahang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

“Mananatiling mapagmatyag ang BSP at gagabayan ng paparating na datos, lalo na sa inflation at inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa. Patuloy ding susuriin ng BSP ang epekto ng mga pinakabagong kaganapan sa Gitnang Silangan sa inflation at ekonomiya ng bansa,” sulat nito sa pahayag.

Nitong nagdaang Setyembre, umabot sa 7.2 porsyento ang inflation.

Sakali mang tumungtong ito ng 8.1 porsyento sa buwan ng Oktubre, ito ang maitatalang pinakamataas na inflation rate sa loob ng tatlong taon nang pumalo ang inflation ng 8.6 porsyento noong Pebrero 2023.

Nakatakda ring maglabas ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng opisyal na tala nito ng implasyon para sa buwan ng Oktubre sa darating na Nobyembre 5.