Lumago ang mga deposito sa mga bangko sa Pilipinas ng 10.2 percent sa P22.22 trillion hanggang katapusan ng Marso bunsod ng patuloy na pagtaas ng pondong inilalagak sa malalaking bangko at mga digital bank, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa pinakahuling datos mula sa BSP, ang kabuuang deposit liabilities ay tumaas mula sa P20.16 trillion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Tumaas din ang deposit accounts ng 18.4 percent sa 178.57 million mula sa 150.82 million noong 2025.
Ang BSP-counted number ng mga depositor ay tumaas ng 84.7 percent sa 248.41 million mula sa 134.53 million noong end-March 2025.
Binibilang lamang ng BSP ang isang depositor nang minsan kahit pa may iba’t ibang uri ito ng account, gaya ng current account, savings account, o time deposit.
Patuloy na hawak ng mga universal at commercial bank ang karamihan sa mga deposito, na bumubuo sa 93.1 percent ng kabuuan ng banking system.
Ang mga deposito sa malalaking bangko ay lumago ng 9.7 percent sa P20.69 trillion mula sa P18.86 trillion noong nakaraang taon, habang ang deposit accounts ay tumaas ng 7.8 percent sa 101.61 million.










