Mas lumakas ang piso laban sa dolyar nitong Huwebes kung saan ay na naitala ang pinakamalakas nitong antas kontra greenback sa loob ng isang buwan.
Ang local currency ay lumakas ng 4.5 centavos upang magsara sa P61.35:$1 mula sa P62.395:$1 noong Miyerkoles.
Ito ang pinakamalakas ng piso magmula noong Mayo 11, 2026, nang magsara ito sa P61.15:$1.
--Ads--
Ayon sa economist na si Michael Ricafort, ang paglakas ng piso ay naganap isang araw makaraang maitala ang mas magandang datos ng net foreign direct investments (FDIs), na nagpalakas sa lokal na salapi.
Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pumalo ang net FDI inflows sa $611 million noong March 2026, mas mataas sa $485 million noong March 2025.










