Inaresto ng Jordan security forces ang tatlong armadong lalaking pinaghihinalaang sangkot sa isang pamamaril sa simbahan noong biyernes, Oktubre 23.

Ayon sa Public Security Directorate (PSD), natunton ang mga hindi pinangalanang ‘terorista’ bago sumikat ang araw sa isang abandonang bahay sa lalawigan ng Karak, timog ng kabisera sa Amman.

Kaugnay nito, tumanggi umanong sumuko ang mga suspek, at nagpaunang nagbukas ng apoy sa pwersa ng seugiridad dahilan upang magkroon ng palitan ng putok ng baril at nagdulot ng pagkasugat nilang tatlo habang ligtas at wala namang nasaktang tauhan ng seguridad sa engkwentro.

--Ads--

Ang nasabing krimen ng pamamaril ay nagdulot sa pagkasawi ng siyam na Kristiyano at 34 ang sugatan ayon sa naitala ng mga opisyal.