Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Oktubre 29, 2026 ang deadline sa paghahain ng quarterly Value-Added Tax (VAT) at Percentage Tax returns pati na ang pagbabayad ng kaukulang buwis.

“The Bureau of Internal Revenue (BIR) has extended the October 26, 2026 deadline to October 29, 2026 for the filing of tax returns and payment of corresponding taxes under BIR Form No. 2550Q (Quarterly Value-Added Tax Return) and BIR Form No. 2551Q (Quarterly Percentage Tax Return), including the submission of required attachments,” saad ng anunsyo ng BIR.

Ayon sa Revenue Memorandum Circular No. 115-2026, saklaw ng palugit ang BIR Form No. 2550Q para sa VAT at BIR Form No. 2551Q para sa Percentage Tax na orihinal na nakatakda noong Oktubre 26.

--Ads--

Kasama rin sa palugit na ito ang pagpasa ng mga kinakailangang attachment ng mga nagbabayad ng buwis.

Ipinaliwanag ng ahensya na ibinigay ang ekstensiyon dahil sa hindi paggana ng Electronic Filing and Payment System (eFPS).

“Under Revenue Memorandum Circular No. 115-2026, signed by Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, the extension was granted due to the unavailability of the Electronic Filing and Payment System (eFPS). No penalties will be imposed for filings and payments made within the extended deadline,” dagdag pang saad ng abiso.

Nilagdaan ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang nasabing sirkular noong Oktubre 26 at ito ay agad na ipinatupad.

Nilinaw din ng ahensya na ang mga maghahain at magbabayad sa loob ng pinalawig na deadline ay hindi papatawan ng multa.