Dagupan City – ‎Masayang ipinagdiwang ng LGU Sta. Barbara, sa pamamagitan ng Office for Senior Citizens Affairs o OSCA, ang Elderly Filipino Week 2026 sa Sta. Barbara Arena.
‎
Nakiisa ang mga senior citizen sa iba’t ibang gawain, kabilang ang Zumba, bilang bahagi ng pagdiriwang na may temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”
‎
Dumalo rin sa aktibidad ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan upang makiisa sa pagdiriwang at ipakita ang kanilang suporta sa mga nakatatanda.
‎
Nagkaroon din ng arroz caldo para sa mga dumalo, habang namahagi naman ng libreng sample products ang isang pribadong kumpanya.
‎
Layunin ng pagdiriwang na bigyang-halaga ang mga senior citizen at kilalanin ang kanilang karapatan, boses, at ambag sa komunidad.
‎
Patuloy namang hinihikayat ang pagbibigay ng suporta at pagpapahalaga sa mga nakatatanda bilang mahalagang bahagi ng pamilya at komunidad.