Arestado ang isang 25-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Binmaley Municipal Police Station (MPS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency–Regional Office 1 (PDEA-RO1).

Nasamsam sa operasyon ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit bilang bahagi ng operasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--

Sa pamumuno ni PLTCOL Lister A. Saygo, hepe ng Binmaley MPS, patuloy na isinasagawa ng himpilan ang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapigilan ang paglaganap nito at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

Binigyang-diin ng Binmaley MPS ang patuloy na pagpapatupad ng mga operasyong naaayon sa batas bilang bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.