Dagupan City – Ipinamalas ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan sa bayan ng Sison ang maagap, organisado, at sama-samang pagtugon matapos magkaroon ng isang aksidente na kinasangkutan ng dalawang sasakyan sa Barangay Dungon.

Nagtulong-tulong sa mabilis na pagresponde ang Local Government Unit ng Sison (LGU-Sison),Sison Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama ang Barangay Council at Civilian Volunteer Officers (CVO) ng Barangay Dungon.

Dahil sa epektibo at mabilis na koordinasyon ng mga responders, agad na naihatid at naipagkaloob ang kinakailangang paunang tulong at saklolo sa mga biktima ng aksidente.

Ang matagumpay at mabilis na operasyon ay muling nagpakita na sa oras ng emergency, ang diwa ng bayanihan, kahandaan, at pagkakaisa ng mga public servant at lokal na komunidad ay mahalaga upang matiyak ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayan.