Nabigo si Carlos Yulo na masungkit ang kampeonato sa Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Rotterdam, the Netherlands.
Nagtapos kasi ito sa pang-walong puwesto sa floor exercise na mayroong kabuuang puntos na 13.233.
Bahagyang nasaktan kasi si Yulo matapos na ito ay mahulog sa ikalawang bahagi ng kaniyang routine na nagresulta sa 0.3 penalty sa scorecard.
--Ads--
Nagkampeon naman si Frederick Richard ng US habang pumangalawa sa puwesto si Jake Jarman ng United Kingdom at Artem Dolgopyat ng Israel sa ikatlong puwesto.
Inaasahan na babawi si Yulo para sa vault apparatus na gaganapin ngayong Linggo ng gabi.










