Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa pitong katao na pinangangambahang na-trapped sa gumuhong gusali sa Nairobi, Kenya.

Karamihan sa mga na-iwan ay mga nasa loob ng kanilang puwesto sa gusali na may taas ng hanggang 18 palapag.

Kasalukuyang ginagawa kasi ang nasabing gusali noong ito ay biglang gumuho.

--Ads--

Ayon kay Interior ministry official Kipchumba Murkomen na ang 66 sa 67 na mga construction workers sa lugar ay agad na nakatakas matapos ang insidente.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring aksidente.