Pinatawag na ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 21 na indibidwal para magbigay linaw sa nasabat na iligal na droga sa Laos na patungo sana ito sa Pilipinas.
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na layon nito ay para malaman ang kanilang panig.
Paglilinaw ni Co na hindi nangangahulugan na sangkot talaga ang mga ito sa krimen.
--Ads--
Ang nasabing pag-subpoena ay bilang bahagi ng imbestigasyon ng kapulisan sa nakumpiskang 521 kilogram na shabu na nasabat sa Laos.










