Dagupan City – Sinuri ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Regional Office I ang kondisyon at paggamit ng 25 modular shelter units sa Barangay Cayanga, San Fabian, upang matukoy kung maayos na napapangalagaan at napamamahalaan ang mga pansamantalang tirahan para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Uwan.
Ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan ng San Fabian ang mga shelter noong Abril 14, 2026, kasunod ng pinsala ng bagyo sa mga tahanan ng mga residente.
Kabilang sa mga dumalo sa monitoring visit ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at tanggapan ng serbisyong panlipunan ng munisipalidad.
Kabilang sa mga sinuri ang kasalukuyang kondisyon ng mga pasilidad, bilang ng mga naninirahan, aktuwal na paggamit, pagpapanatili at sistema ng pamamahala sa mga shelter. Layunin ding matukoy ang mga kakulangan at kinakailangang hakbang upang matiyak na nananatiling angkop at maayos gamitin ang mga pasilidad.
Bahagi ang pagbisita ng pagsusubaybay sa mga programang pabahay para sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.
Home Local News Department of Human Settlements and Urban Development, sinuri ang kondisyon ng 25...










