Arestado ng mga tauhan ng Balungao Municipal Police Station ang Top 2 Most Wanted Person sa municipal level sa Balungao, Pangasinan.
Ang 58-anyos na suspek, isang magsasaka at residente ng Balungao, ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness.
May inirekomendang piyansa na ₱180,000 para sa kaso, habang kasalukuyang nasa kustodiya ng Balungao MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon at legal na proseso.
Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Pangasinan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge, Provincial Director, laban sa mga wanted person na patuloy na nagtatago o hindi pa naaaresto.
Patuloy namang nakatuon ang Pangasinan PPO sa pagtukoy at pag-aresto sa mga wanted person bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa lalawigan.










