Nagharap sa isang hindi inaasahang boxing session ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang Pangulo ng Poland na si Karol Nawrocki matapos magsama ang dalawa sa isang pagsasanay habang nasa Pilipinas ang foreign leader.

Ibinahagi ng dating world champion ang mga video kung saan makikitang tinuturuan niya ng mga basic na galaw sa boxing at mitt work ang lider ng Poland.

Ayon kay Pacquiao, isang malaking karangalan para sa kaniya ang maipamalas ang kaniyang kaalaman sa larangan ng palakasan at makasanay ang pinuno ng Poland.

--Ads--

Nagpaabot naman ng pasasalamat si President Nawrocki sa pambihirang pagkakataon na makasama sa ring at makipag-sparring sa tanging eights-division world boxing champion.

Umani ng positibong reaksyon mula sa mga tagahanga ang naturang pagkikita dahil sa galing at pagkakaibigan ng dalawa sa pamamagitan ng sports diplomacy.