Dagupan City – Kinilala ni Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao ang batang Bayambangueño na si King Arriestone G. Galsim, isang iskolar ng Philippine Science High School–Ilocos Region Campus o PSHS-IRC, dahil sa kanyang dedikasyon sa pag-aaral.
Ginawaran si Galsim ng Certificate of Recognition nitong Oktubre 5 sa Balon Bayambang Events Center.
Bukod sa pagkilala, ipinagkaloob din sa kanya ni Mayor Niña ang ₱5,000 buwanang suporta sa loob ng isang taon upang makatulong sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.
Kinilala rin si Galsim sa kanyang pakikibahagi sa promotion at advocacy para sa 2027 National Competitive Examination ng Philippine Science High School, na naglalayong hikayatin ang mga aspiring Grade 7 students na tuklasin ang oportunidad para sa specialized science at mathematics education.
Kasama rin sa pagbibigay-pugay kay Galsim ang kanyang mga magulang na sina Gilbert “Baki” C. Galsim, dating MFPTA President, at Ilyn Galsim, na patuloy na sumusuporta sa kanyang pag-aaral at mga tagumpay bilang batang iskolar ng Bayambang.










