Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang bangka sa isang ilog sa Democratic Republic of Congo, habang dose-dosenang iba pa ang iniulat na nawawala.

Ayon sa mga opisyal noong Lunes, nagbanggaan ang dalawang sasakyang pandagat habang naglalayag sa Congo River noong Linggo ng gabi. Nangyari ang insidente malapit sa Ngombe-Lukolela sa lalawigan ng Equateur, sa hilagang-kanlurang bahagi ng bansa. Kinumpirma ng mga opisyal na 30 katao ang nalunod at isinagawa na ang search-and-rescue operation para hanapin ang mga nawawala.

Ayon kay Crispin Mputu, interior minister ng Equateur province, nagmula sa Kinshasa, kabisera ng bansa, ang metal na bangkang “Dieu se cache” nang bumangga ito sa kahoy na bangkang “HB Super Victoire” na nagmula naman sa Businga. Karamihan umano sa mga pasahero ay na-trap sa ilalim ng tubig matapos lumubog ang bangka. Sinabi ni Mputu na nailibing na ang mga nasawi.

--Ads--

Hindi pa malinaw ang sanhi ng banggaan. Ayon kay Mputu, maraming aksidente ang nangyayari kapag naglalayag ang mga bangka sa gabi. Iniulat naman ng isang security officer na nakasaksi sa insidente na overloaded sa mga kargamento ang bangkang nagmula sa Kinshasa. Karaniwan ang mga insidente ng paglubog ng bangka sa Democratic Republic of Congo dahil sa paglalayag sa gabi at pagsisikip ng mga sasakyang pandagat.

Nakadaragdag din sa panganib ang mahinang safety standards at kakulangan sa imprastraktura sa mga liblib na lugar. Noong Hulyo, hindi bababa sa 20 katao ang nasawi matapos lumubog ang isang kahoy na bangkang lulan ang mga estudyanteng pauwi mula sa kanilang