Dagupan City – Nagsagawa ng Active Attack Incident Shooting Drill ang mga tauhan ng Malasiqui Municipal Police Station sa Alacan-Guilig Elementary School sa Malasiqui, Pangasinan.
Isinagawa ang aktibidad noong ika-dalawa ng Oktubre, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Francisco A. Sawadan Jr., Chief of Police ng Malasiqui MPS.
Layunin ng drill na mapalakas ang kaalaman, kahandaan, at kakayahan ng mga guro at mag-aaral sa pagtukoy ng mga posibleng banta at tamang pagtugon sa mga sitwasyong maaaring maglagay sa panganib sa kanilang kaligtasan.
Bahagi rin ito ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga paaralan upang mapanatili ang ligtas at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral at school personnel.
Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, koordinasyon, at pagbabahagi ng impormasyon, patuloy na hinihikayat ng Malasiqui Municipal Police Station ang kahandaan at pagiging mapagmatyag ng buong school community sakaling magkaroon ng emergency.










