Dagupan City – Ipinagdiwang sa Dagupan City ang 2026 Elderly Filipino Week Celebration ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 1, na isinagawa sa temang nagbibigay-diin sa halaga, karapatan, boses at ambag ng mga nakatatandang Pilipino sa lipunan.
Bilang host city, ipinakita ng Dagupan ang suporta nito sa mga senior citizen at sa mga programang naglalayong kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa pamilya, komunidad at lipunan.
Tampok sa mga programa ng lungsod ang Lola Cares Program, na nakatuon sa pagkilala at pagbibigay ng suporta sa mga lolo at lola na patuloy na umaako ng mahahalagang responsibilidad sa kanilang pamilya kahit nasa kanilang senior years na.
Sa pamamagitan ng Lola Cares, binibigyang-pansin ang kalagayan ng mga senior citizen na patuloy na kumikilos, nagsasakripisyo at nag-aalaga sa kanilang pamilya sa kabila ng kanilang edad.










