Dagupan City – Patuloy ang pamamahagi ng tig-sampung kilong bigas ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City sa mga pamilya sa lungsod.
Isinasagawa pa rin ang distribution sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng ikalawang wave ng rice assistance program ng LGU.
Sa ilalim ng programa, target na makatanggap ng tig-sampung kilo ng bigas ang bawat pamilya sa lahat ng walumpu’t anim na barangay ng San Carlos City.
Layunin nitong makatulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ang kabuhayan, lalo na sa mga komunidad na sinalanta ng pagbaha.
Matatandaang nauna nang namahagi ang LGU ng dalawang kilo ng bigas kada pamilya bilang unang wave ng ayuda.
Ngayon, ipinagpapatuloy naman ang pamamahagi ng mas malaking rice assistance bilang dagdag na suporta para sa mga taga San Carlos.
Pinangunahan ang programa nina Mayor Julier “Ayoy” C. Resuello at Vice Mayor Joseres “Bogs” S. Resuello, kasama ang Sangguniang Panlungsod.










