Dagupan City – Opisyal nang inumpisahan ngayong Martes, September 29, 2026 ang 3-Day 2026 Region 1 Tourism Summit ng Department of Tourism Region 1 sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan

Gaganapin kasi ang aktibidad mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 1, sentro ng summit ngayong taon ang temang “Digital Agenda and Artificial Intelligence to Redesign Tourism”

Tampok sa talakayan ang mga bagong estratehiya sa digital innovation para sa mga local tourism stakeholders.

--Ads--

Bukod sa mga talakayan, ibibida rin sa nasabing kaganapan ang iba’t ibang natatanging pagkain, lokal na produkto, at kagamitang ipinagmamalaki ng Rehiyon 1.

Dinaluhan ang summit ng mga kilalang personalidad sa nasabing ahensya at mga stakeholders mula sa sektor ng turismo sa buong rehiyon upang magbahagi ng kaalaman at bumuo ng mga bagong oportunidad para sa patuloy na pag-unlad ng turismo.