Malugod na tinanggap ni Binmaley Mayor Pedro A. Merrera III ang desisyon ng national government kaugnay ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.


Ayon kay Merrera, dapat tingnan ang karagdagang panahon ng kasalukuyang barangay officials bilang dagdag na responsibilidad upang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa mga residente nang patas at malinaw.


Hinikayat niya ang mga barangay captain at SK chairperson na ipagpatuloy ang kanilang mga plano at pangarap para sa kani-kanilang barangay.

--Ads--


Sa kabila ng kakulangan sa pondo at investment sa mga nakaraang taon, umaasa si Merrera na magagamit ng mga opisyal ang karagdagang panahon upang maisakatuparan at matapos ang mga proyektong nasimulan na.


Binigyang-diin niya na mahalagang sulitin ng mga barangay officials ang panahon upang maihatid ang mga proyekto at serbisyo na kailangan ng kanilang mga nasasakupan.