Dagupan City – Inilunsad ang Saniata: Pangasinan Ang Galing Vlogfest 2026 na naglalayong maipakita sa pamamagitan ng vlog ang galing, kuwento, kultura at mga natatanging tanawin at katangian ng Pangasinan.
Nakalaan ang ₱100,000 cash para sa grand prize winner, bukod pa sa mga minor awards at consolation prizes para sa mga natatanging entry sa patimpalak.
Maaaring magparehistro ang mga interesadong kalahok hanggang Setyembre 30, 2026, habang hanggang Oktubre 10, 2026 naman ang pagsusumite ng mga vlog entry. Isusumite ang mga entry sa itinakdang email address ng organizers.
Inaasahang magiging daan ang patimpalak upang higit na maipakita at maipagmalaki ang kultura, mga kuwento, talento at kagandahan ng Pangasinan sa pamamagitan ng digital content at malikhaing pagkukuwento.










