Nasa final preparations na ang mga organizers para sa opening ceremony ng 2026 Asian Games na gaganapin ngayong araw sa Nagoya, Japan. Nasa bansa na rin ang Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, kasama ang mga atletang nakatakdang lumahok sa kompetisyon.
Inaasahang dadalo rin ang ilang opisyal ng delegasyon ng Pilipinas sa opening ceremony bilang bahagi ng pagsisimula ng palaro. Samantala, nakahanda na ang mga atletang Pilipino para sa kani-kanilang mga event sa Asian Games.
Gaganapin ang Asian Games sa Nagoya bilang bahagi ng mga hakbang ng Japan na palakasin ang turismo sa lungsod at sa iba pang bahagi ng rehiyon. Inaasahan ding dadami ang mga dayuhang bisita habang nagpapatuloy ang mga aktibidad kaugnay ng palaro, na nagresulta sa mataas na demand para sa mga accommodation sa lugar.
Nakaalerto rin ang mga awtoridad sa Nagoya para sa inaasahang pagdami ng mga tao at sasakyan. Nagdagdag ang pamahalaan ng mga traffic volunteer at iba pang personnel upang tumulong sa daloy ng trapiko at paggalaw ng mga bisita sa panahon ng Asian Games.










