Dagupan City – Naging matagumpay ang isinagawang dalawang araw na Modified One-Stop-Shop for License to Own and Possess Firearms (LTOPF) and Firearms Registration (FR) sa Municipal Event Center sa bayan ng San Quintin
Ito ay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) upang mailapit sa mga residente ng San Quintin at mga karatig-lugar ang mga kinakailangang proseso at serbisyo para sa LTOPF at Firearms Registration.
Naging pagkakataon ang naturang aktibidad para sa mga mamamayan na maisagawa sa isang lugar ang mga kinakailangang proseso kaugnay ng kanilang aplikasyon at pagpaparehistro, na naglalayong gawing mas maayos at episyente ang pag-access sa mga serbisyo.
Dinaluhan ito ng mga mamamayan mula sa San Quintin at mga kalapit na lugar na nangangailangan ng kaukulang serbisyo para sa LTOPF at Firearms Registration.
Sa pamamagitan ng Modified One-Stop-Shop, nabigyan ng mas madaling access ang mga kwalipikadong aplikante at firearm owners sa mga serbisyong may kaugnayan sa legal na pagmamay-ari at pagpaparehistro ng baril.
Samantala, patuloy na hinihikayat ang mga firearm owner na sumunod sa umiiral na mga batas, alituntunin, at regulasyon ng pamahalaan upang matiyak ang legal at responsableng pagmamay-ari ng baril.










