Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang P7.2-trillion national budget para sa taong 2027.
Inihayag ni Committee Chairperson Mikaela Suansing na hindi naging unanimous ang pag-apruba at ipinasa ang report nang walang amendments habang hindi pa nagpupulong ang Budget Amendments Review Subcommittee (BARSC).
Tatalakayin ang mga panukalang pagbabago kapag nagconvene na ang BARSC, kabilang ang karagdagang pondo para sa pagkuha ng bagong guro at ARAL program ng Department of Education.
Humihingi rin ng dagdag na alokasyon ang Department of Agriculture para sa fertilizer assistance at solar-powered irrigation pumps upang labanan ang epekto ng El Niño.
Tiniyak ni Suansing na i-li-livestream ang mga susunod na talakayan ng BARSC upang maging bukas sa publiko ang anumang pagbabago o realignment sa pambansang pondo.
Magsisimula ang plenary debates sa Kamara ngayong Martes, Setyembre 15, kung saan target ng mga mambabatas na maipasa nang tuluyan ang 2027 budget bago sumapit ang Oktubre 9.










