Dagupan City – Umabot sa 1,757 mag-aaral sa kolehiyo sa Bayan ng Tayug ang tumanggap ng tig-₱2,000 bilang bahagi ng Educational Financial Assistance Program ng pamahalaang bayan ngayong 2026.

Nagmula ang pondong ipinamahagi sa Annual Budget ng Munisipalidad ng Tayug, bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan na suportahan ang edukasyon at matulungan ang mga kabataang nagsusumikap upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Pinangunahan ito ng ilang opisyal ng bayan, na naglalayong makatulong sa gastusin ng mga estudyante at kahit paano ay maibsan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.

--Ads--

Ayon sa layunin ng programa, ang tulong pinansyal ay inilaan upang makatulong sa mga gastusin ng mga mag-aaral at mabawasan ang kanilang pinansiyal na pasanin habang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.

Hinikayat naman ang mga benepisyaryo na gamitin nang maayos ang natanggap na tulong at magsilbi itong inspirasyon upang lalo silang magsikap sa kanilang pag-aaral, maabot ang kanilang mga pangarap, at sa hinaharap ay maging bahagi ng pag-unlad ng Bayan ng Tayug.