Dagupan City – Inasphaltuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang lubak na bahagi ng Rizal Avenue sa Mangaldan, Pangasinan nitong Biyernes, Setyembre 4, 2026, kasunod ng panandaliang pagbuti ng panahon.

Isinagawa ang pagkukumpuni matapos ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa DPWH para matugunan ang kondisyon ng naturang bahagi ng national highway.

Nauna nang nilagyan ng buhangin at bato ang mga lubak bilang pansamantalang hakbang dahil sa madalas na pag-ulan na nakaapekto sa kondisyon ng kalsada.

--Ads--

Inaasahang magsisilbing mas matibay na pansamantalang solusyon ang pag-aaspalto habang hinihintay ang mas malawak na pagsasaayos at pagsesemento sa naturang bahagi ng daan.

Layunin ng hakbang na mapabuti ang kondisyon ng kalsada at mapanatili ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko para sa mga motorista at commuter na bumibiyahe papasok at palabas ng Mangaldan.