Dagupan City – Naging sentro ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka ang 100-ektaryang taniman ng palay sa bayan ng San Quintin matapos matagumpay na isagawa ang Provincial Rice Technology Forum (PRTF) Field Day noong Oktubre 21 hanggang 22, 2026, sa Sitio Yamat, Barangay Lumayao.
Pangunahing ibinida sa dalawang araw na aktibidad ang pagpapakilala sa 23 uri ng hybrid rice na itinanim sa nasabing malawak na sakahan.
Layunin ng proyektong ito na maipakita sa mga lokal na magsasaka ang potensyal ng mga makabagong binhi at teknolohiya upang mas mapataas ang kanilang ani at kita.
Ayon sa pamunuan, ang pagsubok sa 23 hybrid rice varieties sa 100-ektaryang sakahan ay magsisilbing gabay para sa mga magsasaka kung aling uri ng palay ang pinaka-angkop at magbibigay ng pinakamataas na ani sa kanilang lupain.
Nakiisa rin sa programa ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA), Municipal Agriculture Office (MAO), mga pribadong kumpanya sa agrikultura, pati na rin ang iba’t ibang samahan at kooperatiba ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor, inaasahang mas mabilis na uunlad ang produksyon ng palay hindi lamang sa bayan ng San Quintin kundi sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Home Local News 100-ektaryang taniman ng palay sa San Quintin, naging sentro ng bagong teknolohiya...










