Umabot na sa 7.10 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa Sinocalan River nitong Agosto 29, 2026, na itinuturing nang critical level.


Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nakatira sa mabababang lugar, tabing-ilog at mga flood-prone areas, na manatiling alerto at maging handa sa posibleng patuloy na pagtaas ng tubig at pagbaha.


Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglapit, pagtawid o pagligo sa ilog habang mataas ang water level. Hinikayat ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) na panatilihing aktibo ang kanilang monitoring at agad na ipabatid sa mga residente ang anumang pagbabago sa sitwasyon.

--Ads--


Pinapayuhan din ang mga pamilya na ihanda ang mahahalagang gamit, gamot at dokumento sakaling kailanganin ang pre-emptive evacuation. Agad na lumikas kung maglabas ng abiso ang mga awtoridad, bilang pangunahing hakbang upang maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng mga residente.