Nakalasap ng matinding pagkatalo ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA Pre-Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Gudajara, Mexico.

Tinalo sila ng host country na Mexico sa score na 61-58 sa kanilang unang laro.

Sa unang quarter ay hawak na Gilas Women ang kalamangan kung saan umabot pa sa 15 puntos ang kanilang kalamangan.

--Ads--

Sa huling anim na minuto ng laro ay mayroong 10 puntos na kalamangan ang Gilas Women 57-47.

May tsansa pa sanang maitabla ng Gilas Women ang laro sa natitirang 21 segundo subalit hindi naipasok ng veteran center na si Jack Animam ang isa sa dalawang free-throw.

Pagdating naman sa ilang segundo ng laro ay nagkaroon ng maling pasa si Afril Bernardino kay Vanessa De Jesus na nagresulta sa unsportmanlike foul at nagtapos sa pag-asa ng Gilas Women para manalo.

Nasayang nagawang 15 points, apat na assists at tatlong rebound ni De Jesus habang si Animam

Dahil sa resulta ay mahaharap sa must-win situation ang Gilas Womens laban sa World No. 7 na Canada sa araw ng Huwebes, Agosto 20.