Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 121 na lumilikha sa Electric Vehicle Incentive Strategy (EVIS) Program upang palakasin ang lokal na pagmamanupaktura ng electric vehicles (EVs) at makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa industriya ng sasakyan sa bansa.
Sa ilalim ng kautusan, magkakaloob ng mga insentibo sa mga kumpanyang gagawa ng hybrid at battery electric passenger cars, commercial vehicles, at mga piyesa nito sa Pilipinas.
Kabilang sa mga kuwalipikadong insentibo ang tax payment certificates kapalit ng cash grants.
Upang maging kuwalipikado, kinakailangang maglaan ang mga kalahok ng hindi bababa sa ₱5 bilyong bagong pamumuhunan at matugunan ang itinakdang production targets.
Layunin ng programa na palawakin ang lokal na produksyon ng EVs, makalikha ng de-kalidad na trabaho, mabawasan ang pagdepende sa fossil fuels, at gawing sentro ng automotive manufacturing ang Pilipinas sa rehiyon.










