Nanawagan ang environmental group na Ban Toxics sa pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act. Ayon sa grupo, dapat unahin ang maayos na pamamahala, paghihiwalay, at tamang pangongolekta ng basura kaysa umasa sa waste-to-energy bilang pangunahing solusyon sa problema sa solid waste.

Ayon kay Tony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, magiging mas epektibo ang batas kung magiging mahigpit ang mga lokal na pamahalaan sa waste segregation at tamang pagtatapon ng basura. Hiniling din ng grupo ang mahigpit na pagpapatupad ng Basel Ban Amendment upang mapigilan ang pagpasok ng imported na basura sa bansa.

Binigyang-diin din ng Ban Toxics ang pangangailangang palakasin ang waste management system at mas pagtuunan ng pansin ang renewable energy at iba pang usaping pangkalikasan, lalo na sa gitna ng lumalalang epekto ng climate change at mga kalamidad.

--Ads--

Kaugnay naman ng planong Pax Silica project, nanawagan ang grupo na magsagawa muna ng masusing pag-aaral at konsultasyon bago ito ipatupad. Anila, mahalagang matiyak na ang anumang malaking proyekto ay ligtas sa kalikasan at hindi makapipinsala sa mga komunidad na maaapektuhan