Idineklara ng State of Pennsylvania ang araw ng pagpirma ni Lebron James sa kaniyang kontrata sa Philadelphia 76ers bilang ‘Lebron James Day,’ July 24.

Agad naglabas ng proclamation si Commonwealth of Pennsylvania Governor Josh Shapiro para sa bagong deklarasyon, bilang pagkilala sa record-breaking career, mga hindi matutumbasang nagawa, at inaasahang magandang kinabukasan niya sa Philadelphia.

Binalikan ng gobernador ang mga record ni Lebron tulad ng pagkakabulsa ng apat na Championship, all-time leading scorer ng NBA mula pa noong 2023, maraming MVP awards, tatlong Olympic gold, at 22 beses na All-Star player.

--Ads--

Hindi rin aniya nagpahuli ang NBA superstar sa pagtulong sa mga komunidad sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga programa na siya mismo ang nagsimula at nagpaunlad.

Kabilang dito ang pagtulong sa mga out-of-school youth na magkaroon ng mas magandang kinabukasan, pagbibigay ng scholarship at college support sa mga estudyante, pagtatayo ng mga pabahay, pagbibigay ng pagkain, medisina, at iba pang serbisyo.

Lahat ng ito, ayon kay Gov. Shapiro, ay pawang nagpapakita at nagpapatunay sa mga kawanggawa na pinangungunahan ng 4-time champion.

Lahat ng tulong ng superstar aniya ay pinapahalagahan hindi lamang ng libu-libong kabataan at pamilya na kaniyang natulungan kundi mga komunidad at fans na sumusuporta sa kaniya.

Maaalalang pumirma ng $8 million contract si Lebron para sa dalawang taon, kasama ang Philadelphia kung saan makakasama na niya ang dalawang kapwa MVP na sina Joel Embiid at Jalen Brown.