Inihayag ng House prosecution na nais nilang linawin mula sa Senate impeachment court kaugnay nang naging pahayag ni Senador Robin Padilla na “walang karapatang magtanong” ang prosekusyon sa isang senator-judge.
Ayon kay House prosecutor at Camarines Sur Rep. Terry Ridon, nais nilang malinawan kung ipinagbabawal nga ba sa magkabilang panig ang magtanong ng clarificatory questions sa mga senator-judge, lalo na kung may mga katanungang nangangailangan ng paglilinaw.
Sinabi ni Ridon na pag-uusapan muna ng prosecution panel kung magsusumite sila ng manifestation o maghahain ng oral manifestation.
Mahalaga raw ito dahil mabigat ang naging pahayag ni Padilla na wala umanong karapatan ang prosecution na magtanong.
Magbibigay linaw rin daw ito sa parehong panig ng depensa at prosekusyon.
Giit pa ng kongresista na ang obligasyong manatiling neutral ay trabaho lamang ng senator-judges at hindi ng mga abogado ng magkabilang panig, dahil adversarial ang impeachment proceedings.| via Bombo John Florez










