Nakiisa ang Binmaley Municipal Police Station sa emergency meeting na pinangunahan ni Mayor Pedro A. Merrera III kasama ang mga school heads ng bayan upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapatibay ng seguridad sa lahat ng pampublikong paaralan.
Pinangunahan ni PLTCOL Lister A. Saygo, Chief of Police, ang partisipasyon ng Binmaley PNP bilang bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan. Kabilang dito ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng paaralan, pulisya, at lokal na pamahalaan upang maging mas maagap ang pagtugon sa anumang insidente o banta sa seguridad.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Binmaley PNP sa Lokal na Pamahalaan, Department of Education, at iba pang partner agencies sa pagpapatupad ng mga programa at estratehiyang naglalayong mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa mga paaralan para sa kapakanan ng buong komunidad.










