Pormal ng umupo bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si Lt. Gen. Antonio Nafarrete.

Isinagawa kahapon ang turn-over of command ni Nafarrete kung saan papalitan nito ang nagretirong si General Romeo Brawner.

Natapos na kasi ni Brawner ang tatlong taon na fixed term bilang AFP Chief.

--Ads--

Pinagunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang turn-over ceremonies kasama si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro.

Ibinahagi ni Brawner ang kaniyang naging accomplishments kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga nakasama niya sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sa talumpati naman ni Pangulong Marcos ay umaasa itong ipagpapatuloy ni Nafarrete ang mga magagandang accomplishment ni Brawner.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng DND na ipapalit si Lt. Gen. Donald M. Gumiran ang kasalukuyang commander ng Western Mindanao Command (Westmincom) na papalit kay Nafarrete bilang commanding general ng Army.

Isinilang si Nafarrete noong Pebrero 22, 1969 kung saan ang ama nito ay tubong Bani, Pangasinan habang ang ina nito ay isang guro mula sa Ilolio.

Pumasok siya sa Philippine Military Academy noong 1986 at nagtapos ito sa PMA “Bigkis-Lahi” Class of 1990.

Siya ang isa sa mga unang officers ng First Scout Ranger Regiment sa 10th Infantry Batallion sa Zamboanga del Sur.

Naitalaga na rin sa iba’t-ibang mga assignment gaya sa Armed Forces’ Joint Special Operations Group at Presidential Security Group kung saan pinangunahan niya ang external security para kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa Talumpati ni Nafarrete na tiniyak niya sa mga kasundaluhan na mayroong silang pananagutan sa taumbayan kung saan ipagpapatuloy nito ang pagprotekta sa bansa.