Umakyat na sa 41 ang bilang ng mga nasawi matapos tumaob ang isang ferry sa Guyana.

Batay sa tala ng mga awtoridad doon, nadagdagan sa 77 ang bilang ng mga nailigtas mula sa trahedya, habang nagpapatuloy ang search and retrieval operations sa lugar ng insidente.

Naganap ang pagtaob ng ferry noong Sabado ng gabi habang lulan nito ang 179 na pasahero.

--Ads--

Hanggang sa ngayon ay marami pa ring pinangangambahang nawawala.

Ayon sa mga imbestigador, kabilang sa mga posibleng naging dahilan ng insidente ang hindi tamang passenger manifest at ang hinalang paggamit ng ilegal na droga ng ilang miyembro ng crew.

Sa kasalukuyan, 16 na sasakyang-pandagat ang ipinakalat sa lugar ng paglubog upang tumulong sa operasyon.

Pinangungunahan naman ng mga French diver, katuwang ang mga lokal na rescue team, ang paghahanap sa iba pang mga nawawala.