
Hinihimok ng Department of Energy ang publiko lalo na ang mga motorista na isangguni ang mga gas stations o companies na hindi tumatalima sa itinakdang rollback.
Ayon sa DOE ang hindi pagpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ay isang halimbawa ng pagmamanipula sa presyo.
Ayon pa sa DOE Oil industry Management Bureau, inatasan na nila ang mga oil company na sumunod at ipagbigay alam sa kanilang downline gasoline station networks ang pagpapatupad ng itinakdang price adjustments.
Dagdag pa ng ahensya na sila rin ay magsasagawa ng random inspections sa iba’t-ibang gasolinahan upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa itinakdang rollback.
Ipinag-utos na ng DOE sa lahat ng oil firms na ipatupad ang mga sumusunod na price reduction base sa imported oil price movements.
Iniuugnay ng Department of Energy (DOE) ang malaking tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ang pag-asang magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, maging ang pagkapanalo ng Democrats sa United States midterm elections.
Diesel – P4.10/L rollback
Gasoline – P16.80/L rollback
Kerosene – P3.70/L rollback
Ayon pa sa kagawaran na hinihikayat din nila na maaaring i-report ang gas stations sa 8888 o sa kanilang complaint hotline via “Gas Station Concerns” feature na nasa e-GovPH app.
Kung sakali man na mahuling hindi sumusunod sa price rollback ay maaaring patawan ng show cause order at kasabay nito ay mapatawan din ng kaukulang parusa o penalty.









