Patuloy na mino-monitor ng state weather bureau ang isang Low Pressure Area (LPA 07d) na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa ulat, ang naturang LPA ay matatagpuan sa layong humigit-kumulang 1,635 kilometro silangan ng Southern Luzon.

Balitang Pilipinas

--Ads--

Mayroon itong katamtamang tsansa o medium chance na maging isang Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Kapag tuluyang naging bagyo, tatawagin itong Tropical Cyclone “Kiyapo” bilang lokal na pangalan.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang naturang sistema, ngunit patuloy itong binabantayan ng mga eksperto upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ang pagbabantay sa LPA ay mahalaga lalo na’t papalapit ang panahon ng tag-ulan, kung saan mas madalas ang pagbuo ng mga bagyo sa karagatang nakapaligid sa Pilipinas.