Patuloy na mino-monitor ng weather state bureau ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Agosto 29, 2026.
Batay sa inilabas na weather update ng state bureau alas-2:00 ng umaga, ang LPA 8i na nasa loob ng PAR ay may mababang tsantsa na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Samantala, ang LPA 8j na nasa labas ng PAR ay may medium chance na maging isang Tropical Depression sa susunod na 24 na oras.
Nagpaalala rin ang ahensya na asahan ang malakas na ulan sailang bahagi ng bansa sa Luzon dahil sa patuloy na umiiral na habagat.
Patuloy namang binabantayan ng mga ahensya ang galaw ng dalawang weather disturbance. Pinapayuhan ang publiko na manatiling updated sa mga susunod na weather bulletin para sa anumang pagbabago sa kondisyon ng panahon. | via Bombo Ivan Rizalda










