Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas International 2026 ang pambato ng Baguio City na si Gwendoline Meliz Soriano sa katatapos na 62nd Grand Coronation Night ng nasabing patimpalak.

Naging sentro ng kaniyang kasagutan na higit pa sa paghangad na masungkit ang korona ng Binibining Pilipinas, ang kanyang pinakamalaking mithiin ay ang maalala bilang isang taong nagbigay-lakas ng loob sa iba upang mangarap nang buong tapang, maniwala nang buong puso, at mamuno nang may matatag na pananampalataya.

Para sa kanya, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga titulo at parangal, kundi sa positibong impluwensiyang naiiwan sa buhay ng ibang tao.

--Ads--

Naniniwala siyang ang bawat pangarap ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng determinasyon, pananalig, at taos-pusong hangaring maglingkod.

Samantala, nakuha naman ni Sasha-Juli Belle Lacuna ng Tarlac Province ang Binibining Pilipinas Globe.

Habang si Julianne Raine Antonio ng Dumaguete City ang itinanghal na 1st runner up at Tracy Mae Sunio naman ng Bacolod City ang nakasungkit ng 2nd runner up.