Inisyuhan na ng arrest warrant si Atty. Levito Baligod, ang abgado ng 18 ex-bodyguards umano ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Kinumpirma mismo ni Atty. Baligod sa kaniyang Facebook account na inisyu ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang naturang warrant noong Hunyo 15, subalit nitong Lunes lamang niya natanggap ito.
Kasalukuyang humaharap si Baligod sa dalawang bilang ng cyber libel, na inihain ni Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr.
Inakusan naman ng abogado ang kampo ng DA chief ng pagpapadala umano ng warrant sa maling address, dahilan kayat hindi niya natanggap ang subpoena at counter-affidavit.
Sa ngayon wala pang pahayag ang abogado kung nakapaglagak na siya ng inirerekomendang piyansa na P20,000 para sa naturang reklamo.
Nag-ugat ang reklamo sa mga pahayag ni Baligod na nagdala umano ang 18-ex bodyguards ni Co ng male-maletang pera sa bahay ng mga opisyal ng gobyerno kabilang na kay Sec. Laurel, na itinanggi naman ng kalihim.










