Dagupan City – Patuloy ang pakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan sa mga fish cage owners at operators upang alamin ang kanilang mga pangangailangan at mapanatiling matatag ang bangus industry sa gitna ng El Niño.
Katuwang sa pagtalakay ang City Agriculture’s Office sa pangunguna ni City Agriculturist Mae Ann Salomon, kasama si City Fisheries and Aquatic Resources Management Council Secretary Danila Cayabyab at CFARMC Chairman Luisito De Guzman.
Layunin ng pagpupulong na pakinggan ang hinaing ng mga mangingisda at talakayin ang mga posibleng interbensyon upang maibsan ang fish mortality na dulot ng matinding init at pagbabago sa kondisyon ng tubig.
Binigyang-diin sa pag-uusap ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga ilog kasabay ng pagtiyak sa kapakanan ng mga umaasa sa pangingisda para sa kabuhayan.
Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong sektor upang makabuo ng mga hakbang na makatutulong sa pagpapanatili ng produksyon at kita ng mga fish cage operators sa lungsod.
Home Local News Dagupan City, nakikipag-ugnayan sa fish cage owners para protektahan ang bangus industry...










