Suspindido ang pasok sa ilang paaralan sa Lunes, Hulyo 13, 2026, bunsod ng epekto ng Bagyong Inday at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa inilabas na abiso ng ilang lokal na pamunuan sa bansa, suspendido ang klase sa sumusunod na lugar:
Calanogas, Lanao del Sur – Suspendido ang klase sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan, simula Hulyo 12 hanggang Hulyo 16, 2026.
--Ads--
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensya para sa iba pang deklarasyon ng suspensyon ng klase.
I-refresh lamang ang page na ito para sa karagdagang anunsyo. | Via Bombo John Florez










