Dagupan City – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-221 Founding Anniversary ng bayan ng Aguilar, Pangasinan, magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng isang Medical Outreach Program na magbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga residente.
Tampok sa programa ang libreng pagpapasuri sa mga espesyalista para sa mga karamdaman sa mata, tenga, ilong, at lalamunan upang mabigyan ng maagang konsultasyon at kaukulang payo ang mga nangangailangan ng serbisyong medikal.
Gaganapin ang medical outreach sa Hulyo 16, 2026, ganap na alas-8:00 ng umaga sa Legislative Building ng bayan ng Aguilar.
Inaasahang makikinabang dito ang maraming residente bilang bahagi ng mga serbisyong inihahandog ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng anibersaryo ng bayan.
Hinihikayat ng pamahalaang bayan ang mga nais magpakonsulta na dumating nang maaga upang maasikaso at mabigyan ng pagkakataong makapagpatingin sa mga nakatalagang medical specialists.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling ipinakikita ng lokal na pamahalaan ng Aguilar ang patuloy nitong pagpapahalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan kasabay ng paggunita sa ika-221 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan.










