Tumaas pa sa kabuuang 789 katao ang bilang ng stranded sa 58 pantalan sa bansa matapos makansela ang mga biyahe sa dagat bunsod na rin ng pananalasa ng bagyong Inday.
Sa pinakahuling maritime safety advisory na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Biyernes, Hulyo 10, kabilang sa mga stranded ay mga pasahero, truck drivers, cargo helpers, gayundin ang 249 na rolling cargoes, 13 barko at 33 motorbancas.
Pansamantalang nakikisilong ang nasa 158 barko at 145 motorbancas.
--Ads--
Naitala ang mga na-stranded na pasahero sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Southern Vosayas, Western Visayas, Central Visayas, Bicol, BARMM, Palawan, Northeastern Luzon at Northwestern Visayas.










