Nagluluksa ang music industry sa buong mundo dahil sa pagpanaw ng award-winning Welsh singer na si Bonnie Tyler sa edad na 75.

Sumakabilang-buhay si Bonnie sa Faro, Portugal, noong Hulyo 8, 2026.

Inanunsiyo ng pamilya ni Bonnie ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media

--Ads--

Unang iniulat noong Mayo 7, 2026 na kritikal ang kalagayan ni Bonnie nang ipasok siya sa isang ospital sa Faro, Portugal, dahil sa emergency intestinal surgery.

Humiling ng dasal ang kanyang pamilya para sa paggaling ni Bonnie.

Noong Hunyo 15, ibinahagi nilang hindi na comatose ang mang-aawit pero nananatili
siya sa intensive care unit ng ospital.

Noong Hunyo 8 ay ipinagdiwang ni Bonnie ang kanyang ika-75 kaarawan, pero hindi na siya nakalabas ng ospital mula nang maratay siya.

Nag-umpisa ang kanyang singing career nang matuklasan siya ng isang talent scout na kumakanta sa isang nightclub sa Swansea, South Wales.

Nakilala si Bonnie dahil sa pagkakaroon nito ng husky voice.

Ilan sa mga kantang pinasikat niya ay “Total Eclipse of the Heart,” “Holding Out for a Hero,” at “It’s a Heartache.”

Naulila ni Bonnie ang kanyang asawa na si Robert Sullivan.
Ikinasal sila noong Hulyo 1973 pero hindi biniyayaan ng anak ang kanilang pagsasama.