Pasok na sa quarterfinals ng FIFA World Cup ang Belgium matapos ang 4-1 na panalo laban sa USA.
Unang naipasok ng Belgium ang goal ni Charles De Ketelaere sa siyam na minuto ng laro.
Tanging si American striker Folarin Balogun ang nakapagpasok ng goal sa pamamagitan ng free kick sa 31 minuto ng laro.
--Ads--
Pinilit ng USA na maitabla ang laro subalit naging matindi ang ginawang depensa ng Belgium.
Dahil dito ay makakaharap ng Belgium ang Spain sa quarterfinals sa araw ng Biyernes sa SoFi Stadium.
Ang pagkawala na rin ng USA ay kasabay ng pagkahulog ng kasamahang co-host nito na Canada at Mexico sa World Cup sa Round of 16.










