Lumobo na sa kabuuang 3,342 katao na nasawi sa tumamang magkasunod na malakas na lindol sa Venezuela.
Base sa datos na inilabas ng Venezuelan information ministry nitong Linggo, umaabot na rin sa mahigit 16,000 indibidwal ang bilang ng nasugatan habang tumaas pa sa mahigit 17,000 katao ang nawalan ng tirahan.
Samantala, ipinagtanggol naman ni interim President Delcy Rodriguez ang ginagawang mga aksiyon ng gobyerno kasunod ng tumamang malalakas na lindol sa gitna ng tumitinding galit dahil sa umano’y naantala at hindi angkop na pagresponde sa sakuna.
--Ads--
Ayon kay Rodriguez, agad silang nagdeploy ng security forces at inanunsiyo ang pagbuo ng bagong military unit para tumulong sa pagtugon sa mga emergency at sakuna.










